👤

paano pinairal ng buddhism at confucianism ang mababang kalagayan ng mga babae matinong sagot please​

Sagot :

Answer:

hope it helps

Explanation:

Itinuring na iisa lamang ang maaaring tunguhin ng babae sa tradisyonal na Asya.

Ito ay ang maging isang asawa at maging ina.

Bilang asawa, ang babae ay dapat maging tapat na kabiyak at dapat niyang

pagsilbihan ang kanyang asawa.

Bilang ina, ang babae ang mag-aaruga sa mga anak. Sa kanya nakaatang ang mga

gawaing bahay na isinasalin sa mga anak na babae. Samantalang ang ama ang

tagapagtaguyod ng pamilya na naisasalin naman sa anak na lalaki.

Sa India, kakain lamang ang asawang babae kung tapos na ang asawang lalaki.

Bilang patunay ng pagmamahal sa asawa, ang asawang babae ay inaasahang

tumalon sa funeral pyre o apoy na sumusunog sa bangkay ng kanyang asawa. Ito

ang kaugalian ng Hinduismo na tinatawag na sati o suttee

Sa China, ang pinakamahalagang tungkulin ng babae ay ang magluwal ng sanggol

na lalaki. Mayroon din silang kaugalian na tinatawag na footbinding. Ito ang

sadyang pagbali ng arko ng paa upang hindi ito lumaki nang normal. Tinatawag na

lotus feet o lily feet ang ganitong mga klase ng paa. Ginagawa ito habang bata pa

ang babae. Isa pang kaugalian sa China at Korea na nagpababa sa antas ng

kababaihan ay ang concubinage, ang pagkuha ng asawang lalaki ng iba pang

babae liban sa kanyang asawa. Ang concubine ay itinitira g asawang lalaki sa

kanilang bahay.

Sa paglipas ng panahon, nabago ang mga ito…

Sa bansang China, itinuring ng pantay ang babae sa lalaki. Ito’y matapos na

tanggapin ng bansa ag ideolohiyang sosyalismo. Mariing ipinagbawal ang

footbinding. Tanda ng pagkamulat ng mga Tsino sa pantay na tingin sa babae ay

ang kanilang kasabihan na “Ang babae ay sumasagisag sa kalahati ng langit”,

nangangahulugan na hindi buo ang langit kung walang babae.

Sa kasalukuyan, may pantay na karapatan ang mga babae sa mga lalaki. Patunay

nito ang pagkakataon ng mga babae na lumahok sa mga kompetisyon sa larangan

ng sining, kalakalan at maging sa politika.

Sa kabila ng naging mababang kalagayan ng kababaihan, nagpatuloy ang mga

babae sa papel na kanilang ginampanan sa kasaysayan. Ang maging Ina, Anak at kapatid