Sagot :
Answer:
A. Sumakabilang buhay para sa namatay
Explanation:
Ang letra B, C at D ay mga pahayag na hindi magandang pakinggan para sa mga hindi maganda ang kalagayan.
Ang pagsasabing magbuburo sa asin ay walang kahinhinang pahayag na hindi na magagamit ang kakayahan sa pag-aanak dahil sa hindi pag-aasawa. Tumitindi ang pagkahabag ng isa bagaman siya ay naghahangad na makapangasawa.
Ang pagsasabi ng buto't-balat sa isang payat ay lalong nagpapatindi ng kalagayan anupat lalong magpapalungkot sa isang payat na nagnanais tumaba. Iyon nga mismo ang ayaw niyang mangyari sa kaniyang katawan.
Ang salitang papatay-patay ay isang matinding paghatol para sa isang mabagal na nagsasabing siya ay iresponsable o tamad. Posible ngang tamad ang isa kaya siya ay mabagal, pero hindi ito magbibigay ng pampasigla para sa isang mabagal kumilos o sa isang tamad pa nga!
Ang paggamit ng terminong sumakabilang buhay ay matagal ng pahayag para sa nawalan ng mahal sa buhay. Ipinapakita nito na ang mahal niya sa buhay ay namamahinga na, hindi na nakakaramdam ng sakit at panatag na. Ito ay isang relihiyosong paniniwala.