Panuto: Suriin ang iba't ibang paraan ng pag-aalaga ng halaman. Sagutin ng Tama kung ito ay nagpapahayag ng wastong pamamaraan at Mali kung hindi. 1. Iwasan ang pagkakamot o kaya'y pagkukusot ng mga mata habang nagbubungkal ng lupa o naglalagay ng abonong organiko. 2. Maging maingat sa pagtapak sa lupang basa upang di madulas 3. Sa pagbubuhat ng mabigat, tiyaking balanse ang hinahawakan 4. Maglaan ng maayos na lalagyan sa matatalim na kasangkapan 5. Paglaruan ang mga kasangkapan sa pagtatani pagkatapos gamitin 6. Pagkatapos ng paggawa, maghugas ng kamay at maligo. 7. Ang paggamit ng oraganikong abono sa paghahalaman ay malaking tulong upang mapalago ang mga ito at makapagbigay ng maraming ani 8. Hindi nakakatulong ang pagbubungkal ng lupa upang palambutin at makahinga ang mga ugat ng halaman 9. Pinu-pinuhin ang mga malalaking tipak ng lupa sa pamamagitan ng paggamit ng bolo at rake 10. Pabayaang maraming damo ang paliid ng mga alagang halaman dahil makakatulong ito sa mabilis na paglaki.