Sagot :
Answer:
Ang Bundok Pinatubo ay isang aktibong bulkan sa pulo ng Luzon sa Pilipinas, sa isang interseksiyon ng mga hangganan ng mga lalawigan ng Zambales, Tarlac, at Pampanga. Bago ang 1991, hindi gaanong napapansin ang bundok at mabigat ang erosyon. Makapal ang gubat nito na sinusuportahan ng mga ilang libo na mga katutubong Aeta, na lumikas sa mga patag na lugar patungong mga bundok ng sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas noong 1565.
Dumating kamakailan lamang ang pagputok ng bulkan noong ika-16 ng Hulyo taong 1991 pagkatapos ng 600 taong pagkatahimik, ang syudad ng Angeles ang sumalo ng galit ng bulkan, nasira sa pagsabog ang tulay ng Abacan atbp. Ang Porac Pampanga sa pangangaaga ng dating alkaldeng si Roy David ay labis na nasira at naputol ang tulay ng Mancatian, lumikha ng isa sa mga pinakamalaki at pinakamarahas na pagpuputok sa ika-20 siglo noong ika-15 ng Hunyo 1991 ang bundok at umabot sa taas na 25-30 kilometro at 10 kilometro ang lapad ng pagsabog. Nagdulot ang matagumpay na prediksiyon sa pagputok ng paglikas ng mga libo-libong katao mula sa mga karatig na lugar, na nailigtas ang mga buhay, ngunit nawasak ang mga nasa paligid nito at labis na nasira ng mga pyroclastic flow, mga deposito ng abo, at sa kalunan mga lahar na sanhi ng tubig-ulan na muling ginagalaw ang mga naunang mga deposito ng bulkan. Libo-libong mga bahay ang nasira.