Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel. 1. Ito ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan. Binubuo ito ng yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari sa buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa. A. Dula B. Sanaysay C. Nobela D. Tula 2. Nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela? A. Banghay B. Tauhan C. Tagpuan D. Tema 3.Nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari. A. Damdamin B. Pananalita C. Pamamaraan D. Simbolismo 4. Paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela. A Pamamaraan B. Tauhan C. Tagpuan D. Tema 5. Ito ay ang diyalogong ginamit sa akda. A.Pananalita B. Pamamaraan C.Tagpuan D. Tema 6. Estilo ng manunulat o awtor. A Pamamaraan B. Tagpuan C.Tema D.Tungalian 7. Ang lugar at panahon ng mga pinangyarihan ng akda. A.Tagpuan B.Tema C.Tungalian C.Ugnayan 8. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. A.Banghay B.Damdamin C.Pamamaraan D. Simbolismo 9. Ito ay ang mga panauhang ginagamit ng may-akda. A.Banghay B.Damdamin Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba C.Pananaw D. Pananalita 10. Ito ang nagbibigay-kulay sa mga pangyayari. A.Banghay B.Damdamin C.Pananalita D. Pananaw