Sagot :
Answer:
Likas na Batas Moral
Ang batas moral o moralidad na mga pamantayan ay ang pinakamataas na uri ng batas na umiiral para sa mga tao. Mayroon itong dalawang prinsipyo. Ito ay ang mga sumusunod:
Ang batas moral ay ang pagkaalam at pag-unawa ng mabuti at masama.
Ang batas moral ay nauukol sa pangangalaga ng kabanalan ng buhay.
Basahin ng higit ang kahulugan ng batas moral sa brainly.ph/question/2022505.
Kaunawaan sa Mabuti at Masama
Ang batas moral ay tanging sa tao lamang nauukol na may malapit na kaugnayan sa disenyo o kayarian ng tao. Kung kaya sila lamang ang nakauunawa nito anupat nakasulat ito hindi sa isang dokumento kundi sa kanila mismong puso.
Ang mabuti ay anumang mga kaisipan, damdamin, salita, at gawaing nakapagpapalugod sa Kaniya, nakabubuti sa disenyo niya sa tao at sa paligid nito. Makikita ito sa mga batas, payo tagubilin at iba pang dokumento at anunsyo na nagbibigay ng daan sa isa na gawin at huwag gawin ito. Ang masama naman ay anumang mga kaisipan, damdamin, salita, at gawaing sumasalungat sa kung ano ang mabuti.
Siyempre pa, ang pamantayan ng mabuti at masama na siyang bubuo sa batas moral ay hindi tinatakda ng tao. Ang Isa na Disenyador o Maylikha sa tao ang siyang nagtakda nito. Ito ay pagpapakita ng kaniyang awtoridad sa Kaniyang mismong likha.
Makatuwiran ito yamang kahit ang tao na may kakayahang umimbento ay nauunawaang siya lamang ang may karapatan sa kaniyang nilikha. Kasama na dito ang limitasyon, kalayaan at layunin ng kaniyang naimbento.
Ang pagkilala muna sa Isa na lumikha sa iyo ang natatanging paraan upang maunawaan mo ang mabuti at masama. Kasunod nito ay ang pagkatakot na hindi mo Siya mapalugdan. Hindi ka kasi robot kundi may kalayaan kang magpasiya kung susunod ka o susuway sa mga batas moral. Kung hindi mo lubusang kilala ang nagbigay nito, mahihirapan kang maunawaan ang gusto at ayaw Niya, maging ang nakapagpapasaya at nakakapagpasaya sa Kaniya.
Banal ang Buhay
Ang salitang kabanalan ay nagpapahiwatig ng kalinisan at kabigatan. Mahalaga ito sa Nagbigay ng buhay. Ang batas moral ay ibinigay at inaasahang gagawin ng tao dahil sa ilang dahilan:
upang maging maligaya sa buhay hindi ng iisang tao kundi ng buong sangkatauhan.
upang maipakita ang kabanalan ng buhay gaya ng pagpapahalaga ng Isa na nagbigay nito sa tao.
Basahin ng higit ang layunin ng batas moral sa brainly.ph/question/223646.
Makikita sa mga batas moral ang pagiging banal ng buhay. Laging sangkot ang pangangalaga sa buhay ng tao at kapakanan ng iba pang may buhay. Simple lamang ang mga batas na ito. Pero nagiging komplikado at hindi makatuwiran para sa iba na sundin ito. Ang dahilan ay sa dami na ng mga sangkot na pilosopiya ng tao na sumasalungat dito. Tingnan ang sinasabing Gintong Aral bilang isang halimbawa.
"Gawin mo sa iba ang nais mong gawin ng iba sa iyo" (Sa pagkakasabi ni Jesu-Kristo).
"Huwag mong gawin sa iba ang bagay na ayaw mong gawin sa iyo ng iba." (Mula kay Confucious)
May nakikita ka bang pagkakaiba o gaya ng iba ay parehong iisa lamang ang kahulugan? Saan diyan ang sin of commission? Saan naman diyan ang sin of omission?
Ang totoo, ang unang nabanggit ang pinakalarawan ng kabanalan ng buhay. Aktibo kang gagawa ng mabuti kasama na ang pag-iwas ng masama para magpatuloy ang kabutihan. Hindi katulad ng sa ikalawa na sapat ng hindi ka pipinsala sa iba at hindi ka na uudyukan nitong gumawa ng higit o magsakripisyo pa nga para sa iba.
Mga Halimbawa ng Batas Moral
Ang batas moral ay malawak, hindi nagbabago kahit nagbabago man ang henerasyon ng tao at ang pamumuhay nila. Ito ay malawakang nagbibigay ng pamantayan sa sekso, pag-aasawa, paggawi at pangangalaga sa buhay. Ang ilang halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
Ang pag-aasawa ng isang lalaki at ng isang babae ay panghabang-buhay.
Ang pagtatalik ay para lamang sa mag-asawa.
Huwag kang papatay.
Huwag kang magsisinungaling
Huwag kang magnanakaw.
Explanation: