👤

PAGSASANAY 1 Basahin at kopyahin ang sumusunod na pangungusap sa iyong kuwaderno. Pagkatapos, salungguhitan ang retorikal na pang-ugnay na ginamit at ipaliwanag kung paano ito ginamit sa pangungusap
1. "Kung gusto mong kaawaan kita dapat magkaroon ka rin ng habag sa mga kasamahan mo," ang sabi ng amo sa katulong.
2. Baka mabigyan pa siya ng pagkakataon na makabayad sa kaniyang pagkakautang. 3. Sakaling makita ng ibang katulong ang nangyari ay pupuntahan nila ang amo para makapagsumbong.
4. Kapag hindi nagbago ang katulong ay parurusahan siya ng kaniyang amo.
5. Kung alam lang ng amo na magiging buktot ang katulong disin sana ay hindi na niya ito kinaawaan.​