👤

Talentong Pinoy Angat sa Mundo
Mga ka-Abante, nakakatuwa ang nangyari ngayon sa ating mga atleta es Olympics, talagang angat ang husay ng mga Pinoy, hindi maipagkakailang ibang klase ang talento na meron ang mga ito. Taon ng mga Pinoy ngayon, lalo't taon ng mga babaeng atleta ngayon mga ka-Abante. Hindi maitatanging gumawa ng ingay ang mga ito sa Olympics. Talagang hinangaan ang mga ito ng buong mundo. Nariyan ang gintong medalya na naiuwi ni Hidilyn Diaz, matapos ang maraming taon ng paghihirap, nasuklian na ang lahat ng ito. Idagdag pa natin rito ang silver medal na nakuha ni Nesthy Petecio. Kahanga-hanga ang ipinakitang husay nito sa boxing ring, kahit siya mismo determinado na lumaban pa sa Paris Olympics. Si Irish Magno mga ka-Abante, hindi man nakapag-uwi ng medalya pero pinatunayan niya na hindi naiiwan ang mga Pinay sa isports na kaniyang pinasok, at panigurado na sa susunod pang torneo, hahakot na rin ito ng medalya. Ang isa pang atleta na umingay ang pangalan ay ang skateboarder na si Margielyn Didal, talaga namang minahal ito ng buong mundo. Hindi lang talento ni Didal ang napansin ng mga ito kundi maging ang magandang ugali nito na nagpapakita ng positivity, pansin rin ang suporta na ibinibigay nito sa kaniyang mga kalaban, na kahit bigo siya makapag-uwi ng medalya, sinelebra pa rin nito ang panalo ng iba. Oh 'di ba? Ganyan ang mga Pinoy! Talagang nagmarka sa mapa ng Olympics ang ating mga atleta, talagang nakilala pang lalo sa buong mundo ang mga babaeng atleta! Mabuhay kayo! (Sarah Asido)

Question:
1. Batay sa binasang teksto, ano ang makapagpapatunay na angat sa mundo ang talentong Pinoy?
2. Anong ebidensiya ang makapagpapatunay na ngayon ay taon ng mga babaeng atletang Pilipino?
3. Naging makatotohanan ba ang mga patunay na inilahad sa teksto?
4. Paano kaya kinalap ang mga patunay o ebidensiya sa tekstong iyong binasa?​