👤

Ang kontraktuwalisasyon ay tumutukoy sa kaayusan ng paggawa kung saan ang bawat kompanya ay kumokontra ng isang ahensya o indibidwal upang gawain ang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng epekto ng kontraktuwalisasyon ?
A. Iniiwasan ng mga pribadong kompanya ang pagbabayad sa mga manggagawa ng ilang
benepisyo gaya ng separation pay.
B. Ang bawat manggagawa ay pinapayagan na sumapi sa ibat ibang samahan at unyon.
C. Hindi ipinagkakaloob sa mga manggagawa ang tamang pasahod at benepisyo.
D. Mas binibigyan ng pansin ang mga karapatan sa mga manggagawa.


Sagot :

Answer:

Batay sa mga nakasaad na mga epekto ng kontraktwalisasyon ang hindi nagpapakita na pahayag  ng epekto ay ang "Mas binibigyan ng pansin ang mga karapatan sa mga manggagawa."

Marami sa mga karapatan ay naisasantabi o di naibibigay sa mga manggagawa. Kasama na rito ang mga benepisyo tulad ng SSS at PhilHealth na personal na babayaran ng isang manggagawa na kontrakwal kumpara kung regular sila na ang kompanya ang magbabayad para sa mga kanila.

Karamihan sa mga pribadong kompanya ang umiiwas sa pagbabayad para sa kanilang mga manggagawa ng ilang benepisyo tulad ng separation pay. Ito man ay nakasaad sa batas na makikita sa Labor Code, marami pa rin ang hindi nakakasunod dito.

Explanation:

#BrainlyFast