16.Alin sa mga sumusunod ang naging wakas ng tekstong “Alamat ng Ilog sa Maguindanao”? A. Dulot ng pagtataksil ni Sumawang, nagkulay-dugo ang Ilog Pulangi sa Maguindanao. B. Tinawag sa Ilog Pulangi, ang ilog na umaagos sa kabundukan kung saan huling nakita si Pulang. C. Pula ang tubig sa Ilog Pulangi na paalala sa digmaan sa pagitan ng mga nag-aaway na pamilya. D. Lumilipad ang sanlibong paruparo bawat taon upang gunitain ang kabayanihan ni Sumawang. 17.Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagpapakita suliraning mayroon sa Alamat? A. Hindi lumiliwanag ang buwan sa bayan ng Pulangi dahil sa iniibig ng prinsipe si Tala. B. Itinakda at ipinipilit na maipakasal kay Pulang ang binatang hindi niya iniibig at minamahal. C. Nawala ang balanse sa pagitan ng mundo ng mga tao’t espiritu dahil sa pagkitil kay Pulang. D. Balakid ang kabundukan upang makapag-aral si Pulang at maging isang ganap na abogado. 18.Suriin ang estilo ng alamat, alin sa mga sumusunod ang hindi totoo ukol sa kabuuan ng teksto? A. Gumamit ang alamat ng mga taludtod sa pagsusunod-sunod ng mga diwa at pangaral. B. Maikli ang teksto; samantalang kakikitaan pa rin ito ng tiyak na daloy ng mga pangyayari. C. Karaniwan sa estilo ng pagbubuo sa alamat na maipakita ang suliraning kahaharapin ng tauhan. D. Nagsimula ito sa pagkilala sa tauhan; habang nagwakas ito sa paliwanag sa kathang-pinagmulan. 19. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo ukol sa pagpapahalaga’t kaugaliang nakapaloob sa alamat? A. Mataas ang antas ng pagpapahalaga sa kalikasan bilang bahagi ng pamumuhay ng tao. B. Niyayakap ng mga tauhan ang paniniwalang banyaga na makikita sa pagtanaw sa kapangyarihan. C. Malinaw ang estruktura ng lipunan dulot ng pagbabanggit sa katayuang panlipunan ng mga tauhan. D. Maaaring pinapaksa nito ang kalagayan ng kababaihan na maaaring suriin sa iba-ibang pagtanaw. 20. Alin sa mga sumusunod ang wasto ukol sa mga ugnayan ng tagpuan at damdamin ng tao sa alamat? A. Umaagos ang galit ng mga diwata sa ilog na nagiging dahilan ng pagbaha nito taon-taon. B. Mahalaga ang ilog dahil dito nagmumula ang ikinabubuhay ng mga tao sa lipunang Maguindanaon. C. Nagtatagpo ang lungkot at buhay sa ilog ng Pulangi na mahalagang anyong-tubig sa Maguindanao. D. Tanda ang mga bundok at ilog ng hangganan ng teritoryo ng iba’t ibang lider at datu sa Mindanao