Panuto: Punan ang patlang ng pangungusap upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Ang Pilipinas ay isang arkipelago o ____1._____. Ang arkipelago ay isang
___2._____ na binubuo ng malalaki at maliliit na mga ___3._____.
Binubuo ang bansa ng malalawak na ____4_____ kung saan metatag- puan
ang malalaking taniman ng palay at iba pang produkto katulad ng tubo at mais;
mahahabang ____5_____ na nagsisilbing panangga sa mga bagyong dumarating;
nakabibighaning mga ____6____ bagaman may panganib ay nagsisilbing pasyalan;
napakagagandang ____7____ na nagbi- bigay saya lalo na sa panahon ng tag-init;
nakahihikayat na mga ilog, lawa at ____8____; at malalaki at maliliit na mga pulo.
Malaki ang pakinabang ng bansa sa ____9_____ nito. Maraming magagandang tanawing dulot ng _____10_____ ng bansa ang dinarayo ng mga turista
mula sa iba’t ibang bansa gayundin ng mga lokal na turista.