D Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang tula na sinulat ni R. Alejandro at sagutin ang mga tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Aking Ulap R. Alejandro Lunday ka ng aking sanlibong pangarap, sa dagat na langit ay lalayag-layag; Sa lundo ng iyong dibdib na busilak, May buhay ang aking nalantang bulaklak. Kung nagduruyan ka sa rurok ng langit, Kalaro ng aking mga panaginip, Ang lupang tuntunga'y di na naiisip, Nalilipat ako sa ibang daigdig Isakay mo ako, O Ulap kong giliw, Ibig kong mahagkan ang mga bituin; Ang lihim ng araw at buwang maningning, Ibig ko rin sanang malama't malining. 1. Ano ang napansin mo sa tono o indayog habang binabasa o binibigkas ang tula?