MINI TASK: Ngayon ay handang-handa ka na upang sumulat ng iyong sariling tula. Gamitin mo ang mga natutuhan sa mga elemento ng tula tulad ng tugma, sukat, saknong, larawang-diwa, simbolismo, at kariktan gayundin ang matatalinghagang pananalita upang lumutang ang kagandahan ng iyong tula. Pumili ng alinman sa mga paksang nakalahad sa ibaba o kaya'y mag-isip ng iba pang paksang napapanahon. Ang tula ay dapat binubuo ng hindi bababa sa tatlong saknong at bawat saknong ay may apat na taludtod, may sukat at tugma.
