Pagkakaroon ng Mayamang Panitikan at Sining Mayaman ang panitikan at sining nating mga Pilipino kaya naman ipinagkakapuri natin ang mga ito. Bukod sa mga panitikang nasusulat sa kasalukuyan, marami ring katutubo o sinaunang panitikan ang nananatili at tinatangkilik ng mga Pilipino sa paraang pasalindila. Mayaman tayo sa mga panitikang sumasailalim sa atin bilang isang lahi tulad ng alamat, pabula, epiko, awiting bayan, bulong, bugtong, at iba pa, gayundin ang panitikang tulad ng tula, nobela, at maikling kentong isinulat ng mga batiking manunulat sa Pilipino. Sa larangan naman ng sining ay ipinagmamalaki natin ang mga likha ng ating mga dakilang alagad ng sining tulad ng painting, mural, eskultura, at iba pa. Hindi rin maitatatwa ang kagandahan ng ating musika, sayaw, at mga pagtatanghal, katutubo man o makabago. Mahalaga ang pagtangkilik at pagtataguyod sa mga bagay na nagpapakilala sa ating pagka-Pilipino. Sa halip na gumaya sa iba ay kailangang ipagmalaki at paunlarin natin ang mga bagay na may tatak Pilipino sapagkat ang mga ito ay yaman ng ating bayan at ating pagkakakilanlan. 1. Di-pamilya na salita: Pangungusap: